Sunday, June 28, 2009

PAGSULAT NG BALITA IKATLONG TAON

1. Pumunta sa Commnet as at pindutin ang Arrow pababa.
2. Pindutin ang Name/URL, isulat ang pangalan at pangkat, at pindutin ang CONTINUE.
3. Pindutin ang loob ng BOX at doon magsusulat ng baltia.
4. Pagkatapos sumulat, pindutin ang Post Comment.

16 comments:

  1. ACE:itinatag ang pananatiling malinis ng quazo

    ang kalinisan ay simbolo ng kasipagan

    itinatag ng science club ang association of science enthusiasm,gumawa sila ng basurahan,isa sa plastic at sa papel,50 bins lahat ang nilagay ng ace para sa buong school.
    ang layunin ng ACE ay mapanatili ang kalinisan ng ng kapaligiran sapagkat gusto nilang manguna parin ang quazo sa pinakamalinis na paaaralan sa buong quezon city.
    ang isa layunin pang layunin ng ACE ay maging ligtas ang mga estudyante sa ibat-ibang sakit na nanggagaling sa basura."ang kalusugan ay isang kayamanan.

    ReplyDelete
  2. KAMPANYA LABAN SA BASURA INILUNSAD


    Kamakailan lang ay isinagawa ng Association of sCience Enthusiast [ACE] sa pamumuno ni Bb. Roja A. Rivera ang kanilang 'waste segregation campaign'.

    Naglalayon ang ACE na maipakita ANG tamang paghihiwalay at wastong paraan ng pagtatapon ng basura kaya naglagay sila ng mga basurahan sa buong campus.

    Nagkalat ang ACE ng dalawang uri ng basurahan na gawa sa kawayan. Ang isa ay para sa mga plastiks at ang isa naman ay para sa mga papel.

    Isa rin sa mga layunin ng ACE ang maiwasan ang pagkalat ng sakit at mapanatili ang kalinisan sa QCHS.

    layunin din nilang pigilan ang patuloy na pagdami ng basura sa loob ng ating paaralan.

    Sa pamagitan ng kampanyang ito,mapipigilan na ang pagdami ng basura at mapapakinabangan din ng nasabing organisasyon ang nga basurang maaaring ibenta.

    ReplyDelete
  3. "PLASTIK AT PAPEL,IHIWAlAY"- ACE

    Pagiging garbology Master ng ating eskwelahan o nangungunang pinakamalinis na eskwelahan sa buong Lungsod Quezon nitong nakaraang taon ang nais na panatilihin ng mga opisyal at miyembro ng ACE o Association of sCience Enthusiasts.At nais din nito na mapanitiling malinis ang ating eskwelahan, upang makabawas na rin sa lumalalang
    Global Warming.

    Ang mga iyan ay ang mga pangunahing layunin ng ACE.Kaya naman nagsagawa sila ng proyekto na magpakalat ng mge garbage bins,na kung saan nakahiwalay dapat ang mga plastik at papel , sa bawat buildings ng ating eskwelahan.

    Ang nasabing proyekto ay naisagawa ng ACE at sa tulong ng kanilang tagapayo na si Bb.Roja Rivera nitong ika-4 ng Hulyo taong 2009.

    ReplyDelete
  4. kung noon parang wala lang
    ACE HUMAHATAW NGAYON

    Pinupuri ng ilang mga guro at ilang estudyante ng Quazo maging ang ating punong guro ang Association of Science Enthusiast dahil sa mga proyektong isinagawa at isinasagawa nito.

    Kabilang sa mga proyektong ito ang Waste Segregation Campaign na tinatawag ring Colloection of Recyclable Materials.Layunin ng proyektong ito na bawasan ang basura at gawin itong pera.

    Inilunsad ang proyektong CRM noong nakaraang Hulyo 4.

    kabilang din sa mga proyektong kanilang isinasagawa ay ang trivias na makikita natin sa mga Science bulletin sa iba't-ibang sulok ng Quazo.

    Ipinalabas nila ang ganitong proyekto sapagkat gusto nilang magbigay ng mga makabagong kaalaman tungkol sa mga mundo at maging sa labas nito.

    maglulunsad pa ng maraming proyekto ang ACE, ngunit ito'y di pa ngayon malalaman kundi sa tamang panahon.

    ReplyDelete
  5. Basura Mo,Ibukod Mo

    Waste Segregation Campaign unang proyektong inilunsad ng Association of sCience Enthusiasts sa taong ito na naglalayong ituro sa mga mag-aaral ang wastong pagtatapon at pagbubukod ng basura.

    Pangunahing layunin ng proyektong ito ay ang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng Quazo para sa ikabubuti ng mga guro at mga mag-aaral at para maiwasan ding makapasok at kumalat ang Influenza A{H1NI} Flu Virus.

    Mula sa mga simpleng kawayan at mga panali na hiningi sa mga kabahayan ito ay ginawang Garbage Bin na may lebel na papel at plastik upang paghiwalayin ang mga basura at ipagbili upang makalikom ng pondo para sa mga susunod na proyekto ng ACE.

    Ito ay pinangunahan ni Regino Vilbar,Pangulo ng ACE,Nyrriel Atienza,Bise Presidente ACE,sa patnubay ni Bb.Roja A. Rivera,tagapayo ng Science Club.

    Di man ginastusan ang proyektong ito sobra-sobra
    naman ang benopisyo sa mga guro at mga mag-aaral.Isang maraming salamat mula sa ACE dahil sa inyong mga donasyon at tulong naisakatuparan ang proyektong ito.

    ReplyDelete
  6. Waste Segration Campaign,Inilunsad
    Basura, Isaalang-alang

    Inilunsad ng Association sCience Enthusiasts
    ang isang proyekto tungkol sa tamang paghihiwalay ng mga basura noong ika-4 ng Hulyo,2009 bilang pagsusulong sa kahalagahan ng kalinisan sa kapaligiran.

    Layunin nitong mapanatili ang kalinisan sa buong kampus,maturuan ang mga mag-aaral na maghiwalay ng mga basurang nabubulok at maibalik sa ating paaralan ang titulong "Pinakamalinis na Paaralan ng buong Lungsod Quezon".

    Pinangunahan ni Regino Vilbar,pangulo(ACE),na pinatnubayan ni Bb.Roja Rivera.Kasama rin sa mga tumulong sa pagsasagawa ang mga Volunteer Core(VolCor)ng naturang samahan.

    Upang maisagawa ang nasabing proyekto,gumawa sila ng 50 garbagebins na inilagay sa bawat gusali ng paaralan.Nagkakaroon sila ng palagiang pag-momonitor sa mga inilagay nilang garbagebins.Ito ay para masigurado ang pangmatagalang kalinisan sa buong kampus.

    ReplyDelete
  7. Basurahan para sa kapaligiran

    Inilunsad ng Association of sCience Enthusiasts ang kanilang proyektong collection of recycled material at ipinailalim dito ang waste segregation sa pangunguna ni Bb. Roja Rivera, science club adviser inilunsad ito noong hulyo 6, 2009
    Layunin nito na maturuan tayo na magtapon ng basura sa tamang basurahan at mahiwalay ang plastik sa papel upang maging malinis ang kapaligiran ng ating paaralan
    Gumawa ang mga kasapi ng Science club ng basurahan na yari sa kawayan na tinalian ng straw at nilagyan ng plastik na nagsilbing taponan bagamat hindi ito masyadong matibay "pansamantala lang muna daw ito" wika ng mga kasapi sa naturang organisasyon

    Naglagay ng dalawang basurahan sa bawat palapag ng lahat ng gusali ng paaralan upang maging basurahan ng plastik at papel inaasahan na makikipagtulungan ang lahat ng mag-aaral para maging malinis ang ating kapaligiran.

    ReplyDelete
  8. KAWAYAN, PINAKAHULUGAN

    Importante ang kalinisan ngayon.

    Bilang tugon,inilunsad ng Association of sCience Enthusiasts ang Collection of Recyclable Materials sa Quezon City High School nito lamang Lunes.Idinikit sa nasabing proyekto ang Waste Segregation Campaign na proyekto rin ng maraming paaralan sa Lungsod Quezon.

    Naglabas ng limampung basurahang gawa sa kawayan ang ACE na ginawa ng mga mag-aaral na kabilang sa asosasyon nitong Sabado. Pansamantala lamang ang mga basurahang ito ayon sa presidente ng ACE na si G. Regino Vilbar na mula sa IV-Einstein. Ikinalat ang mga basurahang ito sa buong paaralan na nahahati sa dalawang sektor: basurahan para sa plastik at papel.

    Layon ng naturang proyekto na masanay sa paghihiwalay ng mga basura ang mga mag-aaral. Makaiwas din sa mga sakit ang isa pang layunin ng proyekto.

    At bilang pagkalahatan, pinakamisyon ng CRM project at WS Campaign na panatilihin ang kalinisan sa QCHS.

    ReplyDelete
  9. Kalinisan sa QUAZO

    Inilunsad ng Association of sCience Enthusiasts ang isang proyekto na may temang "Waste Segregation Campaign". Layunin ng proyektong ito na maturuan ang mga estudyante ng Quezon City High School na magtapon ng mga basura sa tamang tapunan.

    Noong ika-apat ng Hulyo taong 2009 ay sama-samang nagtulungan ang mga miyembro at officers ng ACE sa paggawa ng 50 garbage bins na ilalagay sa buong eskwelahan. Bawat building ng QCHS ay lalagyan ng dalawa hanggang apat na garbage bins na magsisilbing tapunan ng mga plastik at mga papel.

    Ayon kay Bb. Roja Rivera, gurong tagapayo ng ACE,makatutulong ang proyektong ito upang mapigilan ang pagkalat ng iba't ibang sakit sa buong eskwelahan. Mas binibigyang pansin ng ACE ang kalinisan ng eskwelahan upang makaiwas na rin sa kumakalat na sakit ngayon, ang Infuenza A H1N1 virus. May mga ilang guro na rin ang sumangayon at nakipagtulungan sa proyektong ito ng ACE.

    ReplyDelete
  10. -ACE WASTE SEGREGATION-
    Ang kalinisan ay pairalin huwag baliwalian

    Ang ACE o (ASSOCIATION OF SCIENCE ENTHUSIASTS) ay naglunsad ng programang tinatawag na WASTE SEGREGATION.

    At ayon sa ACE ang layunin nito ay mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran at mapaganda pa ang mga tanawin sa aming paaralan.
    At ang isa pang dahilan nito ay ang paghihiwalay ng plastik sa papel ng sa gayon hindi na sila mahihirapan pang pag-hiwalayin ang mga magagamit pa sa hindi na magagamit.
    At ang isa pang kadahilanan nito ay ang pag-iwas nila sa mga karamdaman dahil sa panahon ngayon napakadami ng kumakalat na sakit at ito ay isang paraan upang makaiwas dito.
    Kaya naman ginagawa nila ang lahat para ang lahat ng mga mag-aaralay magtapon sa tamang tapunan dahil ito ay para sa ikakabuti ng lahat at para din sa ikagaganda ng ng ating kapaligiran.
    Ngunit ang isang ikinasasama ng kanilang loob aya ng mga walang pakundangang mag-aaral na tinatadyak tadyakan at sinisira lamang ang kanilang pinaghirapang proyekto.
    Alam nila na kulang na kulang pa ito ngunit ito ay kanilang pinaghirapan at pinagsayangan ng oras para makagawa lang ng natatanging proyekto.
    At dahil dito ang ACE ay umaasa sa mga mag-aaral nag Q.C.H.S na susunod sa mga tungkuling iniatas sa kanila.

    ReplyDelete
  11. Waste segregation Campaign,inilunsad ng ACE!!

    Inilunsad ng Association of Science Enthusiast(ACE)ang programa nilang "Waste Segregation Campaign"isa itong kampanya lumalaban sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

    Nagtipon-tipon ang lahat ng kasapi ng ACE,Noong ika-4 ng hulyo taong 2009.Layunin nilang maghhanda at gumawa ng mga basurahang gagamitin sa kampanya,Sama-samang gumawa ng basurahan ang lahat ng Volcorp,assistant head,head at mga officials ng naturang samahan,kasama na rin ang rin ang tagapagpayo ng ACe si binibining Roja Rivera.

    Gumawa sila ng basurahan na yari sa kawayann at may nkasulat sa bandang ibaba ang salitang "paper" at sa kabila naman "plastic".Layunin ng ACE na mas maging sensitibo ang mga mag-aaral ng QCHS sa tamang pagtatapon ng basura.

    Noong nakaraang taon nakatanggap ang ating paaralan ng isang karangalan at iyon ay ang pagiging isang "Garbology Master" o isa sa pinaka-Malinis na paaralan sa lungsod ng Quezon.Ang target ng paaralan natin ngayon ay ang pagiging "Garbology Grand Master"o isa sa pinaka-Malinis na paaralan sa lungsod Quezon

    ReplyDelete
  12. ACE, nakipagtulungan upang ilang problema'y maiwasan

    Nagpulong-pulong ang mga miyembro ng Association of sCience Enthusiast o ACE upang magkakila-kilala at magkaisa ang ating Paaralan at mas mapaayos at maging malinis pa ito.

    Pumunta ang halos 100 estudyante ng iba't ibang taon upang gumawa ng mga pangangailangan at ang Garbage Bins para sa Waste Segregation Campaign na dapat itapon sa tamang tapunan ang mga basura. Pinangunahan ni Bb. Roja A. Rivera, tagapayo ng ACE ang nasabing aktibidad o pagpupulong.

    Mayroong 4 na lupon ang ACE, ang PUBCOM, FINCOM, EDRES, at Sci-Dama Trainor. Ang bawat isa ay mayroong kanya-kanyang tungkulin.Dahil sa mga iba't ibang lupon at sa aktibidad at sipag ng mga estudyante mas napadali ang mga gawain ng ACE.

    Ayon kay Bb. Rivera malaki ang maitutulong ng ACE at ng Waste Segregation Campaign kung saan makakabawas ng kalat sa paligid, magkadisiplina ang mga tao, maiwasan ang sakit at maging ligtas at mabuhay ang ating Paaralan.

    Sa nagawang pagtutulungan at pagsusumikap ng ACE naalis ang ilang mga problema, tulad sa kapaligiran at iba pa.

    ReplyDelete
  13. Proyekto laban sa karumihan,inilunsad

    Inilunsad na proyekto ng Association of sCience Enthusiasts,'Collection of Recyclable Materials:Waste Segregation campaign' ,nakakadagdag nga lang ba sa lalo pang dumi ng QCHS?
    Oo,ang sabi ng isang tiyak na guro, at hindi naman sa isa pang tiyak na guro.
    Matapos nang inilunsad ang proyekyo noong ika-6 ng Hulyo,2009 ay maraming kumento ang ngsulputan. Maraming nagsabing hindi naman ito magagampanan ng maayos,ngunit marami rin ang nagsabing maganda ang layunin at makatutulong sa paaralan.
    Hindi matiyak kung si Bb.Roha L.Rivera,tagapayo ng nasabing samahan ay natutuwa,natatawa,o naiinis sa mga kumento.Ngunit,ayon sa mga opisyal at mga miyembrong samahan ay panandalian lamang daw ang mga ginamit na bins na gawa sa mga kawayan sapagkat ipina-follow up pa ang mga trash bins na gagamitin na yari naman sa matibay na materyales.
    Kaya nasabi na pandumi sa eskwelahan ay dahil yari sa kawayan lamang at di matibay.Maging sa pagkulekta daw ay magulo.
    Kaya ipinahayag ng pangulo ng samahan na si Regino Vilbar,na gagawin nila ang lahat ng kanilang magagawa para hindi maging tanong lamang ang kanilang proyekto.

    ReplyDelete
  14. Proyekto ng ACE, hindi Naging Safe!!!

    Pinaulanan ng pamumuna ang naturang proyekto ng Association of Science enthusiast na garbage bins na ipinakalat sa loob ng Mataas na Paaralan ng Lungsod Quezon.

    Sinasabing hindi ito nakatulong at nakadagdag basura lamangsa paaralan na pinagsisipaan ng mga estudyante makalipas ang paglunsad nito noong lunes.

    Tinutulan ito ng mga guro kabilang ang sa Agham at teknolohiya sa kabila ng layunin nitong maisaayos ang pagtapon ng basura sa paaralan.

    Sa kabila nito,hindi natinag at ipinagpatuloy ang nabuong plano bng mga ACE officers at members sa pangunguna ni Gng.Roja Rivera(tagapayo ng ACE)katuwang ang pangulo na si Regino Vilbar(Einstein)

    Kaugnay nito,tinanngap ng ACE ang mga nagatibong pahayag diumano sa paraan ng pagkagawa at ginamit na materyales ukol sa nasabing proyekto.

    Gayunpaman,patuloy ang organisasyon sa pagtupad ng plano at sa susunod na gawain nito,kaakibat ang mga opisyal at miembro mula sda Hydrogen at Einstein.


    Matatandaang ang garbage bins ay national project na ipinakalat sa lahat ng paaralan at hindi nagtagal,samakatuwid pinipilit itong buhayin ng ACE upang organisahin ang bawat basura sa paaralan.

    ReplyDelete
  15. kalinisan,patuloy na iningatan

    Inilunsad ng Association of sCience Enthusiasts ang kanilang proyekto sa buong QUAZO.Gumawa sila ng mga garbage bins para sa papel at plastik.Layunin ng proyektong ito na mapalawig ang kalinisan sa buong paaralan.Nagpakalat na ang ACE ng 50 garbage bins sa mga koridor sa bawat building.

    Nanguna ang QUAZO na isa sa pinakamalinis na paaralan sa Q.C o garbology master.Kaya naman,mas pinaigting ang kampanyang ito para sa kalinisan at mapanatili ang QUAZO sa puwesto.

    nasa likod ng proyektong ito ang pagtutulungan ng mga officers ng science club at adviser nilang si Bb.Roja Rivera.Nagsagawa rin sila ng pagtitipon kung saan sinimulan ang paggawa ng naturang garbage bins.

    ReplyDelete