Wednesday, July 8, 2009

PAGSULAT NG BALITA TUNGKOL SA NAT

17 comments:

  1. Rangko ng QCHS sa NAT, pang 31 na

    kamakailan lamang ay inilabas na ang resulta ng National Achievemant Test(NAT). Patuloy pa rin na nagunguna ang Quezon City Science High School. Naging maganda naman ang naging resulta dahil tumaas ang rangko ng Quezon City High School na dati'y nasa rangkong 40 ay ngayo'y nasa rangkong 31 na.

    Ang Mastery din ng Quazo ay tumaas din dahil kung noong taong 2007-2008, ang mastery MPS ay 40.04, ngayong taong 2008-2009 ang Mastery ay bumulusok sa 47.05. Kaya't ganun na lamang ang kasiyahan ng mga guro at estudyante ng malaman ang resulta ng NAT dahil kahit paano ay nakita nila ang bunga ng kanilang paghhihirap.

    ReplyDelete
  2. SALAMAT SA PAGTUTULUNGAN NG ESTUDYANTE AT GURO!!

    Dahil na rin sa pagtutulungan ng mga 723 na estudyante sa ika-2 taon taong pampaaralang 2008-2009 ng Quazo at ng kanilang mga guro. Nagawa ng mga estudyante na maiangat ang ating eskwelahan nitong nakaraang NAT o National Achievement Test. Noong nakaraang Marso.


    Ang mga MPS o porsyento ng masteri ng mga estudyanteng nag exam sa NAT ng iba't-ibang asignatura tulad na lamang ng mga asignaturang: Filipino ay 36; Matematika ;20 English 32; sciance 23;at Araling Panlipunan 30. Ang naging dahilan upang umangat ang pangalan ng ating eskwelahan sa pang 31 na ranko . Mapalad na rin tayo dahil nasa 31 tayo na ranko sa 47 na eskwelahang nag test ng NAT.


    Kung ating maaalala na taong 2007-2008 ay tayo ay pang 40 na ranko lamang. At noong taong 2006-2007 ay pang 36 na ranko naman tayo.

    ReplyDelete
  3. Ranggo ng QUAZO,tumaas
    Mula sa rank 40 noong nakaraang taon,mas lalo pang tumaas ang rank ng Quezon City High School na nasa rank 31 na ngayon.
    Dahil na rin sa matinding pagsusumikap at paghahanda ng mga estudyante at mga guro,ang lahat ng asignatura ay tumaas rin ang mean gaya na lamang sa Filipino,Matematika,Agham,Ingles,at Araling Panlipunan.
    Sa distrito IV,pang-apat ang qchs sa may pinakamataas na ranggo sa buong distrito.Nangunguna dito ang Filipino na 55.94,english na 52.29,araling panlipunan na 48.99,at math na 37.71.
    Ang pagbibigay ng ranggo sa isang paaralan o eskwelahan ay nakabatay sa ipinapakita nitong kagalingan at kahusayan sa lahat ng asignatura sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang eksamin o Natinal Achievement Tes(NAT).Sa pamamagitan ng NAT,malalaman ang kagalingan ng isang paaralan pagdating sa pagtuturo nito sa ibat-ibang asignatura.
    layunin nito nna malaman kung ang isang estudyante ay maraming natutunan sa kanyang eskwelahang pinapasukan.
    Ginanap ito noong marso 2009.

    ReplyDelete
  4. QCHS UMANGAT SA NAT

    Nagawa ng 723 mag-aaral sa ikalawang taon na maiangat ang puwesto ng Quezon City High School sa nakaraang National Acheivement Test noong Marso ngayong taon.

    Dahil sa nakuhang 47.05 na 'Mastery Percentage' [mps] ng mga mag-aaral umakyat sa pang-31 puwesto ang rank ng QCHS mula sa ika-40 puwesto noong nakaraang taon sa buong division level.

    nasa ika-18 puwesto ang filipino na may mean na 36,MPS 59.59, english ika -36, mean 30,MPS 49.93, Science ika-37, mean 23, mps 38.71, Mathematics ika-34, mean 20, MPS 33.67, at ang Araling Panlipunan na nasa ika-37 puwesto, mean30, at may MPS na 49.93.

    Sa nakaraang taon ang qchs ay nasa ika-40 puwesto na may mps na 40.04.
    Noong 2007 ay nasa ika-36 nna puwesto naman ang quazo na may mps na 37.91.

    Inaasahang patuloy pa ang pag angat ang puwesto ng qchs sa mga susunod pang taon.

    ReplyDelete
  5. National Achievement Test 2008
    Puwesto ng Quazo,Umangat

    Umangat ang puwesto ng Quezon City High School sa standing ng mga paaralan sa Lungsod Quezon sa isinagawang National Achievement Test noong nakaraang Pebrero 2008.

    Matatandang ang puwesto ng QCHS sa taong 2006-2007 ay ika-36,2007-2008 ika-40 at ngayong taong panuruang 2008-2009 ay umangat sa 31 na ang Mastering of Percentage ay 47.05.

    Bago nakamit ang pag-angat na ito iba't-ibang paghahanda ang ginawa tulad ng palagiang pagrereview at pagkokondesyon sa mga estudyante.

    Nanguna sa naturang pagsusulit ang Quezon City Science High School na may MPS na 69.57 na sinundan naman ng Culiat High School.Nasa ikahuling puwesto naman ang I.Mathay Sr. High School na may MPS na 43.89.

    ReplyDelete
  6. -NAT RESULT-

    Rangko sa NAT ng Q.C.H.S biglang taas

    Sa mga nagdaang taon ng NAT ang QCHS ay nasa rang kong pang 40 lamang.
    Ito ay sobrang baba dahil kung ating iisipan sa 47 na na paaralan sa QC ang QCHS ay nasa pang 40 lang.
    Kaya naman ang QCHS ay gumawa ng paraan upang ito ay masulusyunan at mapataas pa.
    Ang mga guro dito ay pinagtuunan nila ng pansin ang nga mag-aaral at puro pagsasanay ang ginawa nila.
    Sa pagdating ng NAT nitong nakaraang taon kabigla-bigla ang pagtaas ng ranko nito noon tayo ay nasa pang 40 lang ngunit ngayon tayo ay nasa pang 31 na lang.
    Sa english tayo ay nasa rangkong pang 26,sa math pang 34, sa science pang 37, sa filipino pang 18 at sa a.p pang 37.
    At ang laki din ng itinaas ng MPS ng NAT noong 2007-2008 40.04 ang ating MPS ngunit ngayong 2008-2009 ang ating MPS ay 47.05.
    Kaya naman grabe ang kasiyahang nadarama ng mga guro dito dahil hindi nasayang ang kanilang oras sa pagtuturo sa mga mag-aral.
    At umaasa din ang sila na mas mahihigitan pa ng mga susunod pang henerasyon ang rangko ngayon.

    ReplyDelete
  7. Rank ng QCHS,tumaas
    "pag estudyante ay nagtulungan tataas talaga ang pinaghirapan"

    tumaas ang rank ng quezon city high school sa taong 2009,ika 31 ang quazo sa buong quezon city na dati ay ika 40 taong 2007,36 taong 2008 at taong 2009 nga ay tumaas ng lima.


    ang mean subject sa taong 2009 sa asignaturang filipino ay 36,english-32,a.p-30,science-23 at ang pinakahuli ay math-20.ang mps ng quazo nung 2007 ay 37.91,2008 ay 40.40 at taong 2009 ang 47.05.

    ang nangunguna sa nat ay ang qcshs,ikalawa culiat high school ,pangatlo NOH-school for cripple,pang-apat don. roces sr.science &technology ,at ang pang-lima ang commonwealth high school."kung may tiyaga may nilaga"q

    ReplyDelete
  8. ika-31 na pwesto,Nasungkit ng QCHS!!

    Mga kapwa ko Quazonians humataw sa "National Achievement Test" na ginanap noong ika-11 ng marso taong 2009.Humigit kumulang 700 na Quazonians ang nagtaas ng bandila ng ating paaralan.

    Halos lahat ng paaralan sa buong bansa ay dumaan sa NAT upang iangat ang kanya-kanyang paaralan .Nasungkit natin ang ika-31 na pwesto sa buong Lungsod ng Quezon,naging napakalaking dagok ang naturang test sa mga guro at istudyante ng QCHS.

    Tumaas din ang Mean natin sa bawat asignatura 36% sa Filipino,32% sa English 30% sa Araling Panlipunan,23% sa Siyensya,20% sa aritmitik.Tumaas din ang Mastery Percentage ng ating paaralan 47.05% ngayong taon,40% sa 2008 at 37.91% taong 2007.

    Nakakalungkot mang isipin na hindi tayo naalis sa bottom 10.Napakalaki naman ng naitulong ng nakakadugo at nakakahilong kabilaang pagsusulit,kabilaang seminar ng mga guro.Ito naman ay nagbunga dahil sa kooperasyon at pagmamahal sa ating pinakamamahal na paaralan.

    ReplyDelete
  9. puwesto,patuloy na umaaangat

    nakuha ng quezon city high school ang ika-31 puwesto sa kagaganap pa lamang na National Achievement Test ng mga mag-aaral sa ikalawang taon.723 mag-aaral ang kumuha ng naturang pagsusulit.Umabot naman sa 36 ang mean score sa filipino,20 sa math,32 sa english 23 sa science,at 30 naman sa araling panlipunan.

    Matatandaang noong taong 2007,nasa ika-40 na puwesto ang quazo at noong sumunod na 2008 ay nasa ika -36.Ngayong taon,mapapansing tumaas ang puwesto ng paaralan na umakyat sa ika-31.

    nakuha ng Quezon City Science High School ang unang puwesto at ang Flora A. Ylagan ang nasa ikatlo.Nataasan naman ng QUAZO ang Ramon Magsaysay High School na nakalagay sa ika-36 na puwesto ngayong taon.

    Nasa apatnapu't pitong paaralan ang kumuha ng NAT sa buong Quezon City.

    ReplyDelete
  10. QCHS, UMUULAD

    Umangat ang ranking ng Quezon City High School sa ginanap na National Achievement Test nito lamang Marso.

    Kumpara sa ranking ng QCHS noong 2008, na kung saan pang-40 ito sa Division of City Schools at mayroong mastery per subject (MPS) na 40.04, umakyat ng siyam na bahagdan ang ranking nito na ngayo'y pang-31 na sa listahan at may MPS na 47.05.

    Angat ang QCHS sa ranking sa asignaturang Filipino na kung saan ito'y pang-18 sa listahan. Pang-26 naman ito sa Ingles , pang-34 sa Matematika at parehong pang-37 sa Agham at Araling Panlipunan.

    Sa usapang pandistrito naman, pang-14 ang QCHS sa talahalayan.

    Pitong daan limampu't tatlong (753) estudyante mula sa paksang paaralan ang kumuha ng naturang pagsusulit.

    Ang pag-angat sa NAT ng QCHS sa Division of City Schools na humigit sa apatnapu't lima (45) ang bilang ay simulain na sa progresong ipinapakita ng paaralan.

    ReplyDelete
  11. kung nu'ng nakaraan,medyo tagilid
    QUAZO,BUMULUSOK PATAAS SA NAT

    Nagtagumpay ang Quezon City High School na pataasin ang percentage of mastery at rangko ng ating paaralan sa National Achivement Test noong nakaraang Marso.

    Tumaas ang ating rangko mula 40 nu'ng nakaraan na ngayon ay 31 na. Ito ay dahil,ang ating mean ay tumaas mula 40.04 noon na ngayon ay 45.05.

    Nagsumikap ang 723 mag-aaral na pataasin ang mean o percentage of mastery ng ating paaralan.

    bawat asignatura ay may nakuha tayong mga rangko at nangungunaang Filipino na pang 18 tayo,ang sumunod ay english na pang 26,amg Math na pang 34 tato,at ang mag asignaturang Science at AP kung saan pang 37 tayo.

    Banggitin na rin natin ang bawat nakuha nating porsiyento ng masteri.Sa Filpino,nakakuha tayo ng 36,sa math ay 20,English na may 32,Science na may 23 at AP na may 30.

    Marahil ang pagsisikap ng ating mga gurong magturo at tiyaga ng mga mag-aaral na makinig ang siyang naging daan upang makamit ang mithiing ito.

    ReplyDelete
  12. Kung kaya ng iba Kaya din natin

    Ipinamalas ng mga nakaraang mag-aaral ng Quezon City High School sa ikalawang antas ang kanilang husay sa mga asignatura sa nakaraang National Achievement Test noong marso ngayong taon

    Ipinakita ng mga mag-aaral na kaya nilang makipagsabayan sa ibat-ibang paaralan upang mabigyang karangalan ang QCHS

    Sinasabing ang QCHS ay naging rank 40 noong nakaraang taon pero hindi ito naging hadlang upang makamit ang rank 31 ngayon

    Ayon sa talaan tinalo ng QCHS ang Ramon Magsaysay High School na rank 36 na lamang ngayon dahil ito sa hirap ng 723 na magaaral na kumuha ng eksamin at mga guro ng QCHS

    Pinagsisikapan ng QCHS na mas umangat pa ang rank at matalo ang nangungunang tatlong paaralan ang QCSHS, Culiat HS, NOH school of Cripple upang itanghal na pinakamagaling na paaralan

    ReplyDelete
  13. QCHS sa nakaraang NAT

    Nakamit ng Quezon City High School ang ika-tatlumpu't isang rango sa nakaraang National Achievement Test. Mahigit kumulang 700 na estudyante mula sa QCHS ang kumuha ng pagsusulit na ito.

    Sa NAT masusukat kung gaano kalawak ang natutunan ng mga estudyante ng bawat paaralan sa isang buong taon. Ito ang siyang pinakamahalagang pagsusulit sa lahat. Kabilang sa pagsusulit na ito ang mga asinaturang Filipino, Mathematics, English, Science at Araling Panlipunan. Mga piling paaralan ang kabilang sa pagsusulit na ito.

    Noong nakaraang taon ay puspusan ang pag-aaral ng mga estudyante para sa darating na NAT. Pati ang mga guro ay puspusan na rin ang pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Ang NAT na ito ang tanging paraan upang maiangat muli ang pangalang Quezon City High School at nagbunga naman ito ng maganda.

    Sa asignaturang Filipino ay nakakuha ang QCHS ng mean na 36, 20 naman sa Mathematics, 32 sa English, 23 sa Science at 30 sa Araling Panlipunan. Ang mga resultang ito ay labis namang ikinatuwa ng mga guro ng QCHS.

    Malaki na ang itinaas ng rango ng QCHS sa nakaraang NAT kung ikukumpara noong mga nagdaang taon.

    ReplyDelete
  14. Ranggo ng QCHS sa NAT
    malaking karangalang ating napaangat


    Tagumpay na nakamit ng ating Paaralang Quezon City High School na mapataas ang ranggo sa National Achievement Test, noong nakaraang taon 2008-8009.
    Nasa ikatlongput-isang ranggo na ang QCHS sa NAT na may taglay na kakayahang 45.05 na porsyento, sa bilang na 723 na mga estudyanteng nakapagsulit. Sa ating Paaralan nangunguna ang paksang Filipino na may porsyentong 36% na sinundan ng English, AP, Science at Math.
    Pagod at hirap ang ginawa ng mga mag-aaral upang makamit ang ikatlongput-isang puwesto.Ibinuhos at ibinigay na nila ang oras para sa NAT. Sa sipag ng mga estudyante at tiyaga ng mga guro, nakuha natin ang minimithing puntirya na mapaangat ang ranggo ng QCHS sa NAT.
    Noong mga nakaraang taon, taong 2006-2007 nasa ikatatlongput anim na puwesto lamang tayo sa NAT. At taong 2007-2008 napunta sa ikaapat napu ang ranggo natin sa NAT.
    Isang malaking karangalan sa ating Paaralang QCHS na napaangat sa ikatatlongput- isa ang ating Paaralan sa NAT.

    ReplyDelete
  15. Paghihirap ng Quazo
    sulit na sulit

    Matapos ang matagal na paghihintay inilabas na ng Department of Education ang resulta ng nakaraang National Achievement Test noong Marso at masasabi ngang paghihirap ng Quezon City High School sulit na sulit.

    Makikita sa resulta ang napakalaking pagbabago sa ranggo ng Quazo mula sa ika-36 na puwesto noong 2007,bumaba sa ika-40 na puwesto at napasama pa sa Bottom Ten List ng DepEd noong 2008,ngayon bumabawi sa ika-31 na puwesto sa mean na 47.05% sa 46 na Paaralang Sekondarya sa Lungsod Quezon.

    Nangunguna parin ang asignaturang Filipino sa mean nitong 36%,sinundan ng English na may 32%,Araling Panlipunan na may 30%,Science na may 23%,at Mathematics na may 20%.

    Una pa rin sa listahan ang Quezon City Science High School,sinundan ng Culliat High School,at NOH School of Cripple o may mga kapansanan.

    Di man ganoon kataas ang ranggo ng Quazo labis parin ang tuwa ng mga guro at mga mag-aaral dahil sa maganda ang ibinunga ng kanilang paghihirap at pagsasakripisyo.

    ReplyDelete
  16. DIVISION OF SCHOOLS
    NAT:QCHS,pang-31

    Matapos ang pagiging 'bottom ten' sa nakaraang taong resulta ng National Achievement Test,QCHS pang-31 sa NAT ngayong taon.

    Matapos ang pagiging rank 40 ng nakaraang taong NAT na may Mastery Percentage na 40.04,at rank 36 naman na may MPS na 37.91 noong 2007,QCHS inangat ng mga ikalawang taon mula pagiging pangwalo sa hulihan.

    Sa mga asignatura,pang-18 ang Filipino na ang mean ay 36 at MPS 59.59,pang-26 naman ang English na ang mean ay 32 at MPS na 53.34,pang-37 naman ang Araling Panlipunan na ang mean ay 30 at MPS na 49.93,pang-37 din naman ang Science na ang mean ay 23 at MPS na 38.71,at Mathematics na pang-34 na ang mean ay 20 atMPS na 33.67 sa Division of Schools.

    Sa pangkalahatan, pang-31 ang QCHS na may overall MPS na 47.05.

    ReplyDelete
  17. Tensyon sa NAT Review,
    NAGBUNGA!!!

    Ipinagbunyi na mga guro at punongguro sa Mataas na Paaralan ng Lungsod Quezon ang nasabing resulta ng NAT sa taong kasalukuyan (2009).

    Nakamit ng Quazo ang ika 31 na pwesto mula sa pagbagsak nito noong nakaraang taon sa ika 40 rango sa 47 paaralan dibisyon.

    Gayunpaman,dahil narin sa pasisikap ng mga guro at mag aaral nakamit ang rangong 18,at mean percentage na 36 sa filipino,32mean at 53.34 sa english,23mean at 38.71mps sa science,30 mean at 49.93 mps, sa AP. ,20 mean at 33.67 mps sa math.

    Sa kabila nito , nanguna muli ang QCSHS , ksunod ang culiat , school for cripple,don alejandro roces at panlima ang commonwealth h.s.

    Patuloy na inaasahan ng mga guro na lalo pang aangat ang rango ng QCHS sa susunod na mga taon.

    ReplyDelete